Quantcast
Channel: Lovi Poe – Remate
Viewing all 19 articles
Browse latest View live

Relasyong Lovi at Roco, tigbak na!

$
0
0

KUNG pagbabasehan ang mga Instagram post nina Lovi Poe at Roco Nacino ay tila totoo ang balitang hiwalay na ang dalawa. Pero kapag nakaharap mo naman ang dalawa ay ayaw magsalita kung ano ba talaga ang sitwasyon ng pagmamahalan nila ngayon. Dati kasi ay madalas na makikita sa IG ang mga larawan nila na magkasama. Ngayon ay wala na kahit isang photo sila.

Ngayon ay kanya-kanya na sila ng mga photos. Si Roco sa kanyang training at kanyang resto.

Si Lovi ay abala na mag-post ng sariling pangyayari sa kanyang buhay, tulad ng pagsasama nilang magkapatid at kaibigan na si Heart Evangelista.

Makahulugan ang mensahe ni Lovi sa kanyang Instagram last week na binigyan ng kahulugan ng kanyang mga followers. Nakasaad sa mensahe, “Sometimes you have to give up on people not because you don’t care, but because they don’t.”

Hindi naman sinagot nito ang pagtatanong ng kanyang fans kung ang boyfriend ba ang tinutukoy niya. Kaya nagpayo na lang ang mga nagmamahal sa actress na bitawan na ang kasintahan kung wala rin lang itong malasakit sa kanya.

Samantalang may post din ang aktor sa kanyang IG account ng mensaheng, “One of the hardest decision you’ll ever face in life is choosing whether to walk away or try harder.”

Anyway, knowing Lovi na namana yata sa ama ang katatagan ng loob kapag may dumarating na pagsubok. Kaya madali rin itong makaka-move-on kung totoo nga na nagkakalabuan na sila ni Roco.

***

Ngayon ay handa nang tumanggap ng mature role ang Kapuso actress na si Bea Binene matapos mag-celebrate ng kanyang 18th birthday kamakailan sa Manila Hotel.

Hinintay lang ni Bea na maging 18-years old siya para makapili na siya ng mga role na gusto niyang gawin sa telebisyon at maging sa pelikula.

“Bilang actress, gusto ko naman maiba na ang mga ginagampanan kong role sa mga teleserye. Nakipag-meeting na ako with GMA Artist Center at pinag-uusapan na ang mga gagawin kong mga role in the future,” say ni Bea.

Nasa plano pa rin ni Bea ang mag-travel sa iba’t ibang bansa. Kung hindi lang daw siya nagkaroon ng debut party ay itinuloy sana raw niya ang kagustuhang pagbiyahe abroad. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO


Angel paulit-ulit na sinaktan ni Luis

$
0
0

ISANG araw bago ang Valentine’s Day, isang hugot line ang ipinost ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account na agad naman nitong binura sa hindi malamang dahilan. Aniya, “On the eve of my neck procedure, I saw my ex singing “Love Yourself” sa IG. Kung nagmahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan, Pls. like this.”

Kawawang Angel. Saan kaya siya ngayong VDay?

***

SA PAGBABALIK SA TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO, ALDEN AT MAINE AAMIN NA!

Extended ang Valentine’s Day celebration ng AlDub Nation dahil ang Kapuso phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang special guests sa Tonight with Arnold Clavio ngayong darating na February 17 at 24.

Matatandaang sa mga nakaraang pagbisita ni Alden sa TWAC, eh “Tay” kung tawagin ni Alden si Igan. Pormal na kayang ipapakilala ni Alden si Meng? Siguradong walang ligtas ang dalawa sa pambubuking ni Igan!

Sino nga ba sa dalawa ang mas sweet, mas makulit, at mas matampuhin?

Siguradong aabangan ng AlDub nation ang special episode na ito ng Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules ng gabi, 10:15 p.m., sa GMA News TV.

***

NEWSCASTER NAKAHIHILONG PAKINGGAN

Isang newscaster sa telebisyon ang kinayayamutan ng mga manonood dahil sa sobrang pagba-buckle nito sa pagbabalita. Sa rami raw ng walang name pero magagaling na news reporter sa naturang istasyon, bakit daw ito pa ang pilit na inilagay sa nasabing posisyon. Magbabasa na lang daw, nagba-buckle at nauutal pa.

Dapat daw itong pakainit ng pekpek ng baboy para umayos ang dila. Hehehe!

****

KEN, FABIO, AT JERIC, DINAGSA NG MGA GUSTONG MAGPA-PICTURE

Gwapong-gwapo sina Ken Chan, Fabio Ide at Jeric Gonzales sa trade launch ng GMA Network noong Miyerkules ng gabi. Game na game pa ang mga lead stars ng Afternoon Prime series na Destiny Rose na maki-pagpicture sa mga bisitang umatend sa nasabing event. Samantala, sa kuwento ng Destiny Rose, malalaman na ni Jasmine (Katrina Halili) ang sikreto ni Destiny Rose (Ken).

Paano ito tatanggapin ni Gabriele (Fabio) at ng kanyang tatay (Joko Diaz) pag nalaman na nila ang katotohanan sa kanyang pagkatao?

***

SUPER PLASTIK NA TV-HOST

Super plastik daw pala itong host na animo’y propesor at pagkaminsan naman ay mala-pari kung maghost ng sariling show. Sa harap ng press ay naka-smile ito, pero kapag nakatalikod na ang mga bading ay inis na inis ito.

Ito rin daw ang nag-utos na huwag nang papasukin ang mga reporter sa rati nitong show dahil ayaw na nitong magbigay nang ‘award’, pero ang buong akala ng mga manunulat ay yong girlitang pandakekok ang may pakana kaya ito ang pinaulanan ng batikos.

Ayaw din daw ng host na ‘to na may gagaling pa sa kanya pagdating sa pagho-host. Kaya kung merong may potential na taong pwedeng makaagaw ng kanyang trono ay sinisiraan daw nito sa management. Sus ginoo! Ikaw ba ‘yan, girl?

***

LOVI POE INALALA ANG AMA SA KANYANG KAARAWAN

Nag-celebrate ng 27th birthday si Lovi Poe Kamakailan. Ayon sa Kapuso actress, happy and grateful siya sa lahat ng blessings na natatanggap niya all these years. Hindi rin niya nakaligtaang alalahanin ang kanyang amang si FPJ sa kanyang kaarawan na mahal na mahal niya.

“Not a day goes by that I didn’t wish you were still here?? I love you papa.?? #HappyBirthdayToMe ??,” ang caption ng kanyang photo sa Instagram.

Ngayong gabi ay magkakaroon siya ng intimate birthday celebration kasama ang kanyang malalapit na kaibigan at mahal sa buhay.

***

KAPUSO TWEENS NAG-REUNION!

Nagmistulang reunion ng Tweens barkada ang ginanap na thanksgiving party ng GMA para sa kanilang advertisers. Sa photo na pinost ni Kristoffer Martin sa kanyang Instagram account na may caption na “Tweens UNITE!”, makikitang magkakasama sila nina Alden Richards, Bea Binene, Derrick Monasterio, Louise delos Reyes, Joyce Ching, Hiro Peralta at Barbie Forteza.

Kahit hindi kumpleto ang kanilang grupo at may kanya-kanya ng projects ang bawat isa, tuloy-tuloy pa rin ang friendship nilang lahat. Ayon nga kay Barbie, “A strong friendship doesn’t need daily conversation, doesn’t always need togetherness, as long as the relationship lives in the heart, true friends will never part” #TWEENS.

***

LIP SYNC BATTLE INAABANGAN NA!

Handa na ang mga manonood sa pinakabagong handog ng GMA Network tuwing Sabado, ang Lip Sync Battle Philippines. At sa unang episode nito ay siguradong ikatutuwa ng mga My Husband’s Lover fans dahil sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo ang maglalaban.

Samantala, kanya-kanya namang hula sa kung sinu-sino ang maglalaban sa mga susunod pang episode. Marami ang nag-aabang sa AlDub, at meron din namang gustong maglaban ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Wag palampasin ang premiere ng Lip Sync Battle Philippines ngayong Pebrero 27!

***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

Sam Pinto hanggang starlet lang!

$
0
0

ANO raw ba ang kulang kay Sam Pinto? Maganda naman at nakaaarte rin, kung bakit hindi siya mag-click bilang pambidang actress, tuloy sinasabi ng iba na baka hanggang starlet na lamang ang kanyang kategorya.

Pang-display lang daw ng bidang lalaki sa mga action pictures. May naalala tuloy kami noong dekada 90s-si Monica Herrera, na no doubt na maganda rin, halos lahat ng mga action stars ay siya ang leading lady pero hindi siya kinagat ng publiko. Sabi ng pambansang tagahanga na si Aling Rosenda, iyan daw ang tinatawag na destiny. Hanggang doon na lamang sila.

Nahihirapan ang mga bidang lalaki na maiangat ang kanilang mga career. Imagine mo nga naman mga bankable star na ang kanilang kasama sa film pero hindi sila umaangat. Hanggang sa pagbibilad nalang ng kanilang katawang nagiging bonus sa mga fan na menchang.

-0-

Labis daw na natuwa si Lovi Poe dahil pinaboran ng korte suprema ang kandidatura ng kanyang ate na si Sen. Grace Poe. Makaiikot na raw ito sa pangangampanya para sa kanyang ate. Nakikinita namin na magiging masaya ang kampanyahan nila dahil mangangampanya rin ang kanyang bestfriend na si Heart Evangelista na misis naman ni Sen. Chiz Escudero.

Kung anong saya ni Lovi dahil wla nang balakid sa kandidatura ng kanyang kapatid ay siya naman daw super lungkot ni Sheryl Cruz. Ganyan talaga ang buhay Sheryl, parang life lang. Hehehe! Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA

Magkaibigang aktres pinag-aaway ng mga basher

$
0
0

HALOS magkasunod noong nag-ampon ng bata ang magkaibigang aktres.

Parehong babae ang in-adopt nila. Doon sa mas maputing aktres, lumaki ang ampon niyang maitim ang kulay ng balat at medyo sarat ang ilong. Samantalang lumaking maputi ang ampon ng isang aktres at bagama’t medyo pango din pero may ganda rin naman.

Ngayon ay kinu-compare ng bashers ang dalawang bata. Napikon ang maputing aktres dahil base sa pagkumpara ng mga walang magawang netizens ay lumalabas na mas beauty ang batang itinuring na anak ng hindi katakangkarang aktres.

Dahil dito, ibinulgar ng kutis perselanang aktres na siya ang nag-ayos ng mga papeles ng batit na ampon ng kanyang friend. Tahimik lang ang nanay nitong huli.

Pero sabi ng ilang commenters, baka may masabi pa raw iba ang pikon na aktres kapag patuloy pa itong sumagot sa kanilang mga bashers.
Tumahimik na lamang daw ito. At advice nila, sana raw bago ipost ng aktres ang kanyang anak ay kunan muna ito ng magandang anggulo para hindi napapansin ng mga taong walang magawa sa kanilang buhay.

***

LOVI POE AT SOLENN HEUSSAFF MAGBABANGGAAN

Paniguradong sizzling hot ang stage ng Lip Sync Battle Philippines sa darating na Sabado dahil maghaharap at magkalaban ang mag-bestfriends na sina Lovi Poe at Solenn Heussaff.

Kung ano ang paandar at pasabog ng dalawang naggagandahan at nagseseksihang aktres, ‘yan ang dapat abangan ngayong Sabado sa Lip Sync Battle Philippines pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

***

MAHAL SA BUHAY NI MATTEO NATIGOK DAHIL SA NEGLIGENCE

Ibinahagi ni Matteo Guidicelli kung paanong namatay ang mahal niya sa buhay na si Alfano, ito raw ay dahil sa kapabayaan ng beterenaryo at sa ilang staff nito, at ang tinutukoy naming Alfano ay ang kanyang pet dog.

“Would like to share this to everyone-on March 7, 2016 I lost a best friend, Alfano due to straight negligence and improper handling. That morning his energy was perfect-just like any other day. Both his care takers (Tibo & Amay) brought him to Vets in Practice (VIP), Alabang where we was supposed to have gotten a mere checkup (he had puss on his elbow).

He was attended to at 11:45am and at 12:00 we got a call from Tibo saying that he wasn’t breathing. Confused, we all panicked and headed to VIP. We arrived there and it was too late, Alfano was declared dead at 12:05.

“Here’s what exactly happened. As Alfano was attended to, Tibo & Amay were asked to leave because ‘sila na ang bahala,’ said the VIP staff. They brought him to te surgery room without any consent, muzzled him, while 4 men including the vet barbarically pinned him down as the vet tried to aspirate puss put of his elbow. WITHOUT CONSENT. My poor Alfano, was trying to fight for his life but the four men won. He suffocated, his heart gave up and died. This all happened due to MISHANDLING a simple situation. Let’s step back and thing before we act. We don’t want this happening to any other loved one.

“We can’t have mistakes like this happen again to other pets. #RIPalfano #VIPalabang #vetsinpractice.”

***

SOLENN HEUSSAFF EXCITED NANG SUOTING ANG KANYANG WEDDING DRESS

Ipinasilip ng Kapuso TV host/actress na si Solenn Heussaff ang isa pang mahalagang detalye sa kanyang nalalapit na kasal.

Sa photo na pinost niya sa Instagram ay ni-reveal niya ang signage ng atelier na gumawa ng kanyang dream wedding dress.

“Now have my dream dress with me. Thank you @lihihod!!! will send you tons of photos after the big day :),” ang caption ng photo ni Solenn. Sa Tel-Aviv, Israel naka-base ang Lihi Hod Studio.

***

BENJAMIN ALVES MAGLILIBOT SA IBA’T IBANG PAARALAN

Sa Boracay magse-celebrate ng kanyang birthday si Benjamin Alves. Ngayong araw ang alis ng Kapuso actor papunta sa island paradise at makakasama niya roon ang ilang close friends.

Sa March 31 ang kanyang birthday at susulitin niya ang ilang araw na bakasyon para magrelax at magpahinga. Samantala, very thankful si Benjamin dahil siya napiling lead advocate ng GMA 7 para sa GMA Network Excellence Award.

Excited na siyang umikot sa iba’t ibang schools para ipaalam ang project na ito ng Kapuso Network.

***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

Luis Manzano kinalmot ni Alex Gonzaga!

$
0
0

ISANG napakahabang kalmot sa ibaba ng kanyang binti ang ipinakita ni Luis Manzano sa kanyang Instagram account. Ito raw ay gawa ni Alex Gonzaga dahil sa kanilang harutan.

Ayon naman kay Alex, nagpa-planking daw kasi siya sa gym nang biglang bagsakan daw ng basang-basang T-shirt nito ang kanyang mukha ni Luis.

Bagama’t sadyang kinalmot ni Alex si Luis, nauwi na lang sa tawanan ang lahat dahil si Luis naman ang nauna.

Pero hindi ito nagustuhan ng netizens lalo na ng fans ng host ng bagong show na Family Feud sa ABS-CBN. Imbes namang magpasalamat si Manzano sa ginawang pagtatanggol sa kanya ng mga tagahanga, nagalit pa siya at tinawag itong mga tanga.

Aniya, “Kayong apat ba ay pinaglihi sa puno ng tanga?” ani Luis na ang tinutukoy ay ang apat na fans. “Di n’yo ba gets ang kulitan at story bakit ako nakalmot? Bumuo kayo ng grupo…SNTAO, samahan ng tanga at oa,” sabi pa ni Luis.

***

VELASQUEZ FAMILY VIDEOKE ANG BONDING!

Nakakaaliw ang mga Instagram post ni Regine Velasquez-Alcasid noong isang araw kung saan pinakita niya ang naging bonding session nilang pamilya, ang mag-videoke.

Musically-inclined talaga ang pamilya ng Asia’s Songbird, dahil maliban sa kanya, may boses at may ibubuga sa pagkanta ang kanyang mga kapatid na kitang-kita ang pagbirit sa mga IG post ni Regine. Hindi rin siyempre nagpahuli ang mister niyang si Ogie Alcasid sa pagkanta pati na rin ang isa sa mga pamangkin niyang ang ganda rin ng boses.

Samantala, very happy si Regine sa mga magagandang feedback na nakukuha ng kanyang pinagbibidahang serye, ang Poor Señorita.
Nagpapasalamat ito sa mga sumusuporta sa kanyang bagong series.

***

SOON-TO-BE MOM NA SI IYA VILLANIA, BLOOMING!

Puno ng pasasalamat si Iya Villania sa lahat ng bumati sa kanila ni Drew Arellano matapos ang announcement nila noong Easter Sunday na magkakaroon na sila ng baby.

Sa Instagram ay pinost ng soon-to-be mom ang cakes na bigay sa kanya ng pamilya niya mula sa Because of You at Lip Sync Battle Philippines maging ang bouquet of flowers mula 24 Oras family niya. At ngayon pa lang ay excited na ang kani-kanilang fans sa kung ano ang magiging gender ng kanilang baby.

***

MARIAN RIVERA MAY BAGONG PARANGAL

Muling pinarangalan ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa ginanap na 12th Women with Disabilities Day celebration na inorganisa ng National Council on Disability Affairs.

Tinanggap ni Marian ang plaque of appreciation bilang ambassador for children and women with disabilities. Sa kanyang Instagram ay sinaluduhan ni Marian ang mga kababaihang kasama niya sa layuning ito.

“Maraming salamat at sa pangatlong pagkakataon ay magkakasama pa rin tayo sa adhikaing ito. Isang malaking karangalan ang maging ambassador ng mga ‘Kababaihang May Tanging Pangangailangan.’ Saludo po ako sa mga pagsisikap niyo at sa pagiging matatag sa buhay. Higit sa lahat, saludo po ako sa mga Nanay na sa kabila ng lahat ay nagagampanan nang buong puso ang kanilang mga tungkulin sa pag-aaruga ng kanilang mga pamilya. Kayo po ay magsisilbing malaking inspiration sa akin. Muli, salamat po at mabuhay ang kababaihan!”

***

LOVI POE SUSUBUKANG MAGPATAWA

Sasabak sa comedy si Lovi Poe dahil siya ang guest sa episode ng Dear Uge ngayong Linggo, April 3. Makakasama niya sa episode na pinamagatang “The Full Sisters” sila Boobay at Migui Moreno.

Sa kwento ay magkapatid sina Rica (Lovi) at Jana (Boobay) na hindi magkasundo at palaging nag-aaway. Lalong lalala ang kanilang gusot dahil magkakagusto sila sa iisang lalaki, ang kanilang boss na si Edgardo (Migui).

Tuluyan na bang hindi magkakasundo ang magkapatid? Magkakaroon pa kaya ng happy ending ang magkapatid?

***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m., Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

Mananatiling Kapuso

$
0
0

PUMUNTA lahat ang big bosses ng GMA Network sa pangunguna ni Atty. Felipe Gozon nang muling pumirma ng kontrata si Jennylyn Mercado sa network na nagpasikat sa kanya at nagbigay ng titulong The Ultimate Survivor ng StarStruck Batch 1 (2005) female category, counterpart ni Jennylyn sa male ay si Mark Herras.

After 11 years, maganda ang development ng career ni Jennylyn sa Kapuso network, aniya: “I feel so blessed and since then kasi GMA is my home so wala akong plano na umalis kasi I don’t see myself anywhere. Lalo sa tulong nila na ginawa sa career ko. I never expected to reach this far lalo after ko manganak, so mahal na mahal ko talaga sila.”

Sa pagpirma muli ni Jennylei sa GMA 7, nawala na ang agam-agam ng marami na siya’y lilipat sa ibang network. Diumano’y may magandang offer din sa kanya.

Sa pananalita ni Atty. Gozon, nasabi ng big boss nang network na si Jennylyn ay homegrown talent nila na di nila pababayaan ang career.

Malaking paghanga rin ng mga big bosses ng network dahil maipagmamalaki talaga si Jennylyn ng GMA dahil isang isang multi-awarded best actress, bukod pa sa pagiging bankable actress sa pelikula ngayon. Pinipilihan ang mga movies niyang ginawaga.

Ayon na naman sa entertainment head ng GMA na si Lilibeth Resonable, may dalawang malaking projects ang nakalaan ngayon kay Jennylyn sa network.
Ibig-sabihin kaya ay matuloy na ang naunang planong pagtatambalin sa soap opera sina Jennylyn at Alden Richards?

Ano kaya ang isa pang project, isa kaya itong comedy show lalo na’t magaling din si Jennylyn sa comedy?

PAKIKIPAG-PARTNER NI MAINE SA IBANG ACTOR, OKS KAY ALDEN

Kahit may mutual understanding na raw sina Alden Richards at Maine Mendoza, na halata naman sa kinikilos nila ngayon, hindi pa rin maaalis na tanungin ng press kung payag si Alden na i-partner sa iba si Maine.
Aba, sagot agad si Alden ng “oo naman” nang matanong ang aktor sa press con ng Imagine You & Me.

Pero nang sumagot si Alden nang “Oo” na pwedeng ma-partner si Maine sa iba ay bumulong si Maine na narinig ng press na “pangatawanan mo ‘yan.”

Sa pelikulang Imagine You & Me, kikiligin ang mga fan ng nina Alden at Maine. Kasi may makikitang maglalapat daw talaga ang labi ng dalawa on screen. Bukod pa rito, very cinematic ang kinunang lugar sa Italy. Mapapanganga ka sa mga sceneries na aasamin mong puntahan.

So far, makikita talaga ang kasikatan nina Alden at Maine kasi projected na kikita ang pelikula ng more than P1-billion kapag ipinalabas ito simula sa July 13 sa lahat ng mga sinehan.

Kinunan ang malaking bahagi ng pelikula sa matulaing lugar ng Como at Verona, Italy. Si direk Mike Tuviera ang nagdirehe ng movie at produced ito ng APT Entertainment, GMA Films, M-Zet Television, Inc.

DIREK MARYO J DELOS REYES, HAPPY NA MAKASAMA MULI SI LOVI POE

Bakas sa mukha nina direk Maryo J delos Reyes at Lovi Poe ang kasiyahan sa muli nilang pagsasama sa isang primetime soap na malapit simulan ngayong July. Makakasama ni Lovi sa soap na ididirek ni Maryo J si Max Collins, na isa ring paboritong idirek ngayon ni Maryo J.

Ayon sa aming source, straight drama ang soap na ito na ‘di pa inire-reveal ang complete title ng soap. Matagal na itong pinaplanong gawin ni direk Maryo J. Talagang binusisi nang husto ang istorya ng soap na talagang naiiba sa mga soap na ipinalalabas ngayon.

Busy ang buwan ng July kay Maryo J. Simultaneously kasing nagdidirek rin siya ng pelikula sa Star Cinema. Nasa shooting stage ngayon ang The Unmarried Wife na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Paolo Avelino at Angelica Panganiban.

Ipalalabas naman ang pet project ni Maryo J, simula ngayong July 13 sa mga piling SM Cinemas, ang ToFarm Film Festival.

Si Maryo J ang project director ng festival. Kalahok ang anim na pelikula na pawang tumatalakay sa buhay farm sa Pilipinas. Advocacy film ito na humihikayat sa mga manonood na balikan muli ng mga Pinoy ang pagsasaka. Andito ang buhay Pilipino na pwede ka ring yumaman at maging pamana sa kanilang susunod na henerasyon. ON THE SET/NOEL ASINAS

Lovi todo-buyangyang kay Derek!

$
0
0

NAGWO-WORK lang si Lovi Poe at mali ang term na nagwawala siya dahil wala na sila ng boyfriend niyang si Rocco Nacino. Aba’y kung isang Derek Ramsay naman ang makakasama niya sa isang movie, carry na rin na magtodo-sexy siya. Dati ay tumigil na si Lovi sa pagpapa-sexy at nagco-concentrate na siya sa pagiging aktres. Malaking factor siguro na si Derek ang kasama niya kaya okey ulit na magbuyangyang.

Mainit at umaatikabo diumano ang kissing scene ng dalawa sa bagong movie ng Regal Films na “The Escort”.

Walang makakaawat sa pagpapa-sexy ni Lovi dahil nag-post din siya sa kanyang Instagram Account ng larawan na naka-black bikini siya habang katabi si Derek na naka-topless naman. Parang nasa duyan sila na may kama.

Abangan ang pasabog ni Lovi Poe sa “The Escort”na kung saan ay si Enzo Williams ang director.

-0o0-

May hinaing si Ms. Lala Aunor sa kanyang Facebook Account sa okray na comment ni Vice ganda sa “We Love OPM”.

“After the performance of Tres Kantos, pls. observe kung ano ang naging topic nila. Di pa rin nakuntento si Vice Ganda sa panglalait sa Team Power Chords, inopen pa ulit ang comment na sintonado at nakiayon naman ang ilang mentors like Erik (Santos) and KZ (Tandingan) at sabay-sabay na ginawa nilang laughing stock ang group nila Marion (Aunor), Marlo (Mortel) and Kaye Cal. Tama po ba na magbiro ng ganito? Is it right na ‘di pa nakuntento manlait ng isang beses kaya sobrang sinisira nila ang singing career ng mga members ng grupo? Nag-umpisa din naman sila sa ibaba. Huwag masyadong malasing sa tagumpay. God doesn’t blink. Everyone has its own time. @WeloveOPmM”

Ito ang naunang post ni Ms. Lala: “So sad na nadala pa sa comment ni Vice Ganda ang audience sa sinabi nyang may nagsintonado. Ganun ba kagaling ang tenga nya sa music? Underdog masyado ang group nila?#? Teampowerchords. Ilang beses ko inulit-ulit ang video. For me, wala naman nagsintonado sa kanila since singers talaga silang tatlo. And Marion came from a family of singers and musicians. Huwag naman sana ganun at ginawa pa silang laughing stock ng mga mentors during Tres Kantos na. This is below the belt na po. Sana huwag mangyari sa kanila ang ginawa nila sa tatlo. Bilog ang mundo, remember? We Love OPM.”

Sa mga comments ng netizens, kinu-question din si Vice kung bakit inihanay siya sa mga OPM Icon. Ano nga ba ang batayan, paano at bakit nga ba naging OPM icon si Vice? Paano ito ihilera kina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Gary Valenciano, Rico Puno at Hagibis? Legit daw ba siyang singer?

‘Yun na!

-0o0-

Nag-i-enjoy si Yasmien Kurdi sa kanyang GMA Afternoon Prime serye na “Sa Piling Ni Nanay”. Umuuwi siyang masaya.

“Kahit haggard ang mga eksena, masaya kami lahat. ‘Di pa rin nawawala ang tawanan at tsikahan sa grupo,” sambit niya na kung saan ay kasama niya sina Mark Herras at Katrina Halili.

Nakikita rin namin sa Facebook account ni Yas na maasikao siyang asawa.

‘Pag maagang natatapos ang taping niya ng “Sa Piling Ni Nanay”, sinusundo niya ang kanyang mister na si Rey Soldevilla, Jr. na isang piloto. ‘Pag umaga naman ay hinahandaan niya ito ng almusal bago umalis sa kanyang flight at siya naman ay papunta na sa taping. Talagang inaasikaso ni Yasmien ang kanyang pamilya pag walang showbiz commitments. Ramdam din namin ang init ng pagmamahalan nilang mag-asawa.

Anyway, sa “Sa Piling Ni Nanay” magawa kayang tumakas nina Ysabel (Yasmien) at Maya (Sofia Catabay) kay Rod (Antonio Aquitania)? Malalaman kaya ni Rod na wanted for kidnapping si Ysabel sa nakarolyong poster? XPOSED/ROLDAN CASTRO

Marian hanggang 6th place na lang sa FHM Sexiest

$
0
0

SI Kapuso Primetime Marian Rivera-Dantes, sa kabila ng may asawa na siya at may 7-month old Baby Letizia na sila ni Dingdong Dantes, nakakuha pa rin siya ng 6th place sa FHM 100 Sexiest 2016. Hindi na nga sumali si Marian pero hindi pumayag ang FHM na basta na lamang ganoon. Ilo-launch na nga ang FHM at ito ang pahayag nila: “The three-time queen has settled in on the next chapter in her life, but her majesty still lingers over the land. She herself has stated that maybe her time on the list is up. We’d accept that, but only because we feel like we need to be placing her in a hall of fame from now on….”

Hindi lamang iyan ang kaganapan kay Marian dahil in-extend pa ng GMA Network ang show niyang “Yan Ang Morning” na dapat ay magtatapos na ngayong July. Maganda at positive ang feed back, mataas na rating at puno ng commercial ang show na napapanood araw-araw at 9:30 AM. Pumayag naman si Marian na i-extend pa ang show dahil nag-ienjoy siya at kung nakakapag-impart sila ng magandang aral sa mga manonood, siya man ay marami ring natutunan sa mga guests niya sa show, lalo na kapag tungkol sa parenting at pagluluto.

Sa July 18 naman ang launch ng pinakahihintay na epic serye ng GMA 7, ang “Encantadia 2016” na may special guest role si Marian as Mine-A Ynang Reyna with Dingdong as Haring Raquim, na mapapanood pagkatapos ng “24 Oras.” Napapanood din si Marian every Sunday sa comedy-variety show na “Sunday PinaSaya” at 12:00 NN.

***

Matapos magpahinga at magbakasyon sa Europe last summer, back to work na si Lovi Poe dahil isa na namang challenging role ang gagampanan niya sa GMA-7, ang “Someone To Watch Over Me” na makakatambal niya si Tom Rodriguez. Matindi raw ang paghahanda niyang ginagawa ngayon dahil gagampanan niya ang role ni Joanna na ang asawa ay isang Alzheimer’s patient. Kakayanin ba niya na makalimutan siya ng asawa at ang nakikilala lamang nito ay ang ex-girlfriend.

“Sa ngayon po ay pinag-aaralan ko na kung ano ang pain na mararamdaman ng character na gagampanan ko,” sabi ni Lovi. “Pero thankful ako sa GMA na ipinagkatiwala sa akin ang ganitong role, kaya I will give my best para ma-justify ko ang character na gagampanan ko.”

***

Tulad ni Lovi Poe na nakapag-recharge din noong summer, kasama ang girlfriend na si Carla Abellana sa isang European trip kasama ang family nito, pinaghahandaan na rin ni Tom ang bagong role na gagampanan niya bilang si TJ Chavez na may Alzheimer’s disease. Mahirap daw ang role kaya pinag-aaralan at nagri-research siya tungkol sa sakit na ang bilis palang mag-deteriorate ang mind ng isang taong meron nito.

Ayon kay Tom, hindi niya inisip na ganitong role ang ibibigay sa kanya ngayon ng GMA. Pero mukhang swak daw sa kanya dahil mahilig siyang magbasa, at isa rito ay ang nababasa niya tungkol sa mind exercises.

Hobby na raw kasi niya ang i-stimulate niya ang kanyang brain, at malaki ang maitutulong sa kanya nito para gampanan ang bagong role na ibinigay sa kanya. Aware daw siya sa husay ng kanyang katambal, si Lovi Poe, kaya kailangan niyang sabayan din ang kakayahan nito sa pag-arte. FRONT SEAT/NORA CALDERON


Rocco hurting pa rin sa break up kay Lovi

$
0
0

HINDI itinanggi ni Rocco Nacino na he is still hurting sa break-up nila ng dating girlfriend na si Lovi Poe. Hindi raw maitatanggi ang dalawang taon nila na puno ng love and happiness. Kaya kapag naalaala niya si Lovi, iyon ang binabalikan niyang isipin.

Pero hindi na nag-elaborate pa si Rocco. Ayaw na niyang pag-usapan ang mga detalye. Wala man daw silang communications ngayon ni Lovi, nagpapasalamat na lamang siya sa bago niyang project at nalilibang siya roon.

“Parang pangtanggal ko ng depression ang “Encantadia,” siguro masasabi kong itong sama ng loob ko, nagagamit ko sa training ng mga fight scenes ko sa epic-serye,” nangingiting sabi ni Rocco.

“May mga times na nasasaktan din ako sa training, pero balewala sa akin iyon. Gustung-gusto ko ang role ko rito bilang si Aquil, na unang ginampanan ni Cong. Alfred Vargas. Natuwa ako nang i-endorse niya ako for the role.”

Biniro si Rocco na tamang sila ni Kylie Padilla ang magkatambal sa story, pareho raw silang loveless. Si Kylie, hindi rin naman lihim na wala siyang boyfriend ngayon dahil wala na sa GMA Network ang nali-link sa kanyang si Julian Trono.

Pero masaya si Kyle nang ibalita niyang panonoorin ng amang si Robin Padilla ang kanyang epic serye dahil mas excited pa raw ito sa kanya nang malamang kasama siya sa cast ng “Encantadia.”

***

Isa pang pinaghandaan nang husto ang kanyang role bilang si Ynang Reyna Mine-A ay si Marian Rivera. Malaki raw ang responsibilidad ng kanyang role sa kanyang kaharian ng Lireo at sa mga mamamayan nito, kasama ang apat niyang anak na Sang’gre sina Amihan (Kylie Padilla), Danaya (Sanya Lopez), Alena (Gabbi Garcia) at Pirena (Glaiza de Castro).

Bukod sa kanyang trainor, tinulungan din siya ng asawang si Dingdong Dantes sa training niya ng arnis. Humanga rin naman siya sa husay ng apat na anak niyang Sang’gre na pare-parehong na-starstruck sa kanya nang makasama niya sa mga eksena ang mga ito.

Samantala, pinabulaanan ng manager ni Marian ang napabalitang hihinto na muna ito pansamantala sa showbiz. Paano raw mangyayari iyon, tuluy-tuloy ang taping nito ng “Yan Ang Morning” na na-extend pa ng another season.
In fact, ngayong Monday morning ay special guest niya ang phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza, sa show at 9:45 a.m.

May special participation din si Marian sa movie na dinirek ni Mike Tuviera.

For sure, magpapasalamat sina Alden at Maine sa mga fans nila, ang AlDub Nation (ADN) sa malaking tagumpay ng kanilang first solo movie together, ang “Imagine You & Me” na ngayon ay may 232 cinemas nang pinagpapalabasan nationwide.

Reportedly, naka-P 21.5-million, no padding ang movie sa opening day nito noong Wednesday, July 13. Sigurado raw, kung walang naging technical problems ang ilang sinehan na hindi on time nakapaglabas ng movie, iyong iba, nagkaproblema na naman sa pagri-release ng tickets sa exact time ng screening, sigurado silang totoo ang isa pang report na nakakuha ng top box-office gross ang “Imagine You & Me” ng P30-million. Congratulations!

***

Report ng isang fan sa Alabang Commercial Center, iyon daw cinema na palabas ang pelikulang “Dukot” na kasabay ng showing doon ng “Imagine You & Me,” wala raw nanood kahit isa, meaning ‘zero’ attendance. FRONT SEAT/NORA CALDERON

Kim Domingo, agaw-eksena sa FHM event

$
0
0

HINDI nagpatalbog ang Kapuso sexy actress na si Kim Domingo sa ginanap na FHM 100 Sexiest event a couple of days ago.

Nagpasilip kasi ng kasexyhan ang actress sa kanyang revealing outfit kaya naman tuwang-tuwa ang mga lalaki sa nasabing event.

Ang tsika pa nga ng ilang taga-FHM, mas nagmukhang no. 1 si Kim Domingo sa listahan dahil sa kanyang oozing sex appeal at matinding karisma sa kalalakihan.

TAMBALANG MARK NEUMANN AT SHAIRA MAE IBINABALIK

Pakikiligin muli ng tambalang Mark Neumann at Shaira Mae ang kanilang fans sa muli nilang pagtatambal sa game show nila sa nakatutuwang programa ng TV 5, ang Happinas Happy Hour tuwing Friday night.

Siyempre, ang star ng show ay ang duo nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs. Sa kanilang opening portion pa lang ay may pagka-naughty agad agad ang dating. Kasama nila sa production number ang mga sexy babe na sina Margot Midwinter, Abby Poblador, Roxee B, at ang controversial na si Daiana Meneses, na talagang magpapataas ng inyong imagination.

Makakasama ng comedian na si Kim Idol ang always refreshing na si Alice Dixson para sa kanilang nakakatuwang commercial spoof.

Sa sports celebrity, panauhin ang hard court hottie na si Jeric Teng na masusubukan ang kaalaman sa mga bading sa portion na Bekihula.

GABBI GARCIA FEEL NA FEEL ANG PAGKANTA NG “PAG-IBIG”

Unang sumalang sa new and improved online concert series ng GMANetwork.com na ‘Playlist’ si Gabbi Garcia. Feel na feel ni Gabbi ang pag-awit niya ng kantang “Pag-Ibig” ng Spongecola dahil tingin daw niya ay nababagay ito sa kanyang role bilang Sang’gre Alena sa Encantadia.

“Yung song is good vibes lang. [It’s nice to listen to] pagka-in love ka, good vibes ka, masaya ka… Kung irerelate ko siya sa ‘kin… ako kasi, I’m a happy person. Lahat ng makikita ko is ginagawa ko siyang positive. I see the brighter side,” aniya.

Tuwing Miyerkules ang pag-upload ng mga bagong videos ng iba’t ibang Kapuso celebrities sa Playlist sa www.GMANetwork.com/playlist.?

LOVI POE MAS BLOOMING KAHIT ZERO ANG LOVELIFE

Inamin ng Kapuso Premier Actress na si Lovi Poe na hiwalay na nga sila ng dating kasintahan na si Rocco Nacino. Ayon kay Lovi, maayos ang kanilang paghihiwalay at puro magaganda ang alaala niya sa kanilang relasyon. Pero kahit nga single na ulit ang aktres, kapansin-pansin ang pagiging blooming niya nang siya ay pumirma ng kontrata sa Kapuso Network.

“Gusto kong unahin muna ang sarili ko, ang career ko. As much as we want to balance our personal lives and career, medyo mahirap talaga po siyang gawin. I think right now what I want to do is focus on myself and I wanna grow as an individual. For me, it’s important to be single first,” pakli ng magandang aktres.

RHIAN RAMOS, THANKFUL SA KANYANG SUPPORTERS

ISANG first para kay Rhian Ramos ang maging cover girl ng FHM magazine for the month of July. Bukod pa rito, number 5 pa siya sa FHM 100 Sexiest Women at kabilang sa mga rumampa sa victory party na ginanap noong July 26.

Ayon sa Sinungaling Mong Puso leading lady, overwhelmed siya sa mga positive response na nakuha niya lalo na habang rumarampa kaya labis ang pasasalamat niya sa kanyang mga supporters na idinaan ang kanyang mensahe sa kanyang instagram account na @whianwamos “Dear supporters of @fhmphilofficial and of course mine as well, It was so much fun meeting you all yesterday! Extra thanks to those who came early to have their magazines signed! To those who cheered me on at the party, i hope you had fun and fyi, your voices made me blush! Every vote feels like a compliment, so thank you for those ? What a fun and STRANGE experience, ’til i see you guys again…!” ON THE SET/NOEL ASINAS

Grabe na ang mga demonyong bashers na ‘to!

$
0
0

GRABE na at somosobra na ang mga asal-demonyong bashers na ‘to.

Imagine, wala namang ginagawa sa kanila si Lovi Poe pero paboritong lait-laitin sa kanilang mga blogs na wala namang nakaaalam at nagbabasa kundi sila.

Honestly, these dim-witted individuals are taking advantage of the power of their blogs so as to able to hit the movie people they loathe or despise a lot.

Palibhasa’y hindi naman reactionary si Lovi at cool lang siya sa mga below the belt na bira sa kanya ng mga kampon nang kadilimang ito, lalong nasasanay ang mga hinayupak na ‘to.

Imagine, pati boobs nu’ng tao na wala namang ginagawa sa kanila ay patuloy na pinagtitrip-an. Kesyo flat-chested daw si Lovi at hindi
dapat maging sexy actress.

Ketbalites? Pinakikialaman ba ni Lovi ang panghahada nila ng mga mhin? Ang pangpapa-oros nila at pagroronda sa Luneta tuwing madaling-araw?

Meron pa raw mga gurang ng bashers who find enormous joy in bashing Lovi endlessly and you just can’t stomach their below the belt language.

Akala mo naman may ganda ang mga hinayupak na ‘to. Hayan at pagkapapanget naman. Meron pa ngang mga pilay at meron namang parang mga kampon ng kadiliman ang mga hitsura at parang demonyo kung magsiasta.

Yosi-kadiri! Hahahahahahahahahahaha!

Isa pang issue na ipinangbibira kay Lovi ay ang pag-junk daw nito sa kanyang dyowang si Rocco Nacino in favor of this French guy named Chris Johnson.

And so fucking what? Ano ba namang pakialam ng mga burat na ‘to sa private decisions ni Lovi when they actually are not privy to the what has transpired between her and Rocco?

Anyway, maganda ang attitude ni Lovi na very much indifferent sa mga bashings nila sa internet.

MGA SANG’GRE, BIBISITA SA MARS

Makiki-avisala sa MARS ang mga bida ng Encantadia na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro ngayong Lunes (August 15).

Ngayong nasa mundo sila ng mga tao, balik muna ang tatlong diwata sa paggawa ng praktikal na bagay na magagamit ng mga mortal sa pang-araw-araw na buhay.

Sina Glaiza at Kylie, gagawa ng crayon lantern nightlight habang si Sanya naman ay ibabahagi ang kanyang sinampalukang manok recipe.

Makakaharap din ng Sang’gres sina Suzi Entrata-Abrera at ang kanyang guest co-host na si Winwyn Marquez sa isang exciting na buzz wire challenge.

Sa MSG segment naman, nagbabalik ang motivational speaker na si Michaelangelo upang magbigay ng iba’t ibang inspiring tips na may sundot ng katatawanan.

Huwag palagpasin ang episode na ito ng MARS ngayong Lunes, 7 p.m. sa GMA News TV.

WALANG BINESA KAY COLEEN

Kaya pala hindi pumasa sa pag-audition sa ABS-CBN ang hubaderang ito ay dahil sa pekinese ang kanyang endowments.

No wonder, she is not hobnobbing with her co-actors on the set of the comedic show she happens to be a regular performer. Ayaw kasi niyang tinatanong kung orig ang kanyang chasis. Hahahahahahahahaha!

Dati naman daw kasi, (and this was during her high school days in one of the places in Kyusi) parang bakla ang dating ng hubaderang ito for the simple reason that she was devoid of boobs and the butt was quite flat.

Nawe-weirdohan din sa kanya ang kanyang mga classmates dahil parang a little bit prominent ang kanyang nose in the tradition of Barbra Streisand. Hahahahahahahahaha!

Kaya appeal-wise, timbog talaga siya sa arrive ni Coleen Garcia na orig ang mga chasis at walang niretoke.

Wala raw niretoke, o! Hahahahahahahahahahaha!

Sa boobs na lang, timbog na siya dahil halatang-halatang retokado ang kanyang boobsies na nasobrahan naman yata kaya up-close ay parang overripe papaya.

Overripe papaya raw, o! Hahahahahahahahahahaha!

Si Coleen nga naman, natural ang butt at boobs. No wonder, head over heels in love sa kanya si Billy Crawford.

Need I say more? Hahahahahahahahahahahahahaha!

***
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at peteampoloquiojr@gmail.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

Acrophobia ni Lovi Poe, nawala kay Tom Rodriguez

$
0
0

NOON pa’y sinasabi na ni Lovi Poe na may fear of heights siya kaya hindi siya madalas na nagbibiyahe by air. Pero nang magsimula silang nag-taping ng bago niyang primetime soap na “Someone To Watch Over Me,” kailangan niyang harapin ang kanyang greatest fear.

Nagpasalamat siya na kasama niya ang leading man niyang si Tom Rodriguez nang sumakay siya sa zip line, kailangan daw kasi iyon sa eksena kaya hindi pwedeng hindi niya gawin.

Nag-post siya sa kanyang Instagram account ng ginawa niya na may caption na “Simple lang naman ang eksena namin ni @akosimangtomas, ang mag-zip line na magkahawak ang kamay…ang tagal pang gawin dahil may taong sobrang takot sa heights!” Nice one girl! Pero nagpasalamat din si Lovi at siguro raw sa susunod na kailangan niya muling sumakay sa zip line, alam na niyang hindi ito ganoon nakakatakot.

Pero mas marami raw siyang mahihirap na eksenang gagawin sa primetime soap, mabuti na lamang at napakahusay ng director nila, si Maryo J. delos Reyes.

***

Nag-enjoy, hindi binigo ng “Sunday PinaSaya” ang mga televiewer ng number one Sunday comedy-musical show as they celebrate their first anniversary noong Sunday, September 4, nagsimula sa big production number featuring the ten original cast: Marian Rivera, Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Valen Montenergro, Joey Paras and Jerald Napoles, sa isang special family-oriented comedy sketch entitled “Maling Akala”.

Ipanakilala rin ang newest addition to the cast, sina Gladys Guevarra, Mike “Pekto” Nacua, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Andre Paras, Boobsie Wonderland, Kim Lalst, Lovely Abella and Atak, kasama ang Aegis sa isang segment na Papaitan Restaurant.

Ang pinakahintay siyempre ng AlDub Nation ay ang special edition ni DJ Bae (Alden) kasama si Maine Mendoza na ipinakilala bilang si DJ Mae, na radio dj from a competing network. Special someone ni DJ Bae si DJ Mae, pero maayos naman kahit na may lover’s quarrel ang dalawa ay nag-enjoy sa panonood ang mga fans nila.

Pinatunayan ni Marian Rivera-Dantes na siya pa rin ang queen of the dance floor, nang i-launch niya ang all-new original dance craze called “Haha Shake Shake” kasama ang iba pang members ng cast. More surprises next Sunday sa pagpapatuloy ng “Sunday PinaSaya” sa second week ng special celebration nila.

***

Hindi na mami-miss ng mga fan nila sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil mapapanood na sila sa first-ever interactive rom-com series ng GMA Network, ang “Usapang Real Love” o “URL.” Para mapanood sila, i-like lamang ang Facebook page ng URL at abangan ang posts para sa nasabing video challenges.

Ang fan na gustong sumali ay kailangang i-video ang sarili na ginagawa ang challenge at ipadala ito sa Facebook, i-tweet or i-post sa Instagram at i-tag lamang ang @UsapangRealLove using the hashtag #MagpaFANSin. Abangan ang cute na story nina Miguel at Bianca, soon on GMA. FRONT SEAT/NORA CALDERON

Hindi man lang naaninag ang nakalawit na saba!

$
0
0

MINSAN hindi na nakatutuwa itong mga tagahanga ng mga artista. Mantakin mo namang gusto sila ang masusunod kung anong gagawin ng kanilang mga idolo. Hindi nila alam na sinisira lang nila ang mga hinahangaan kuno nilang mga artista.

Pinagseselosan nila ang eksenang halikan to-the-max nina Lovi Poe at Tom Rodriguez sa kinagigiliwang soap na Some One To Watch Over Me.

Hoy mga bekimon, eksena lang iyon at inaarte lang ng dalawang bida ang sitwasyon. Walang personalan dito. Ang dapat ngang magselos ay ang totoong may relasyon na si Carla Abellana kay Tom Rodriguez.

Pero sinusuportahan ni Carla ang dalawa dahil kaibigan niya si Lovi at si Tom ay papa niya. Ano ba ang ipinagpuputok ng butse n’yo? Ang sabi nga ni Apol, as in Apolonia, hindi kayo nakatutulong sa inyong mga iniidolo.

Siya (Apol) ay dapat ding magselos kay Lovi na hinahalikan ng kanyang idol na si Tom. Kung tutuusin, dahil die-hard siya at lab na lab niya ang binatang half-waray, half-american, maapektuhan na siya.

Kaya lang, eksena lang iyon at inaarte lang nila kung ano ang nakasaad sa script. Deep inside hurting din ang becki. Hahaha!

Charinggola ka, Apol.

Noong Biyernes ay nag-uumpisa na ang kanyang sakit na malilimutin at nagiging bugnutin na kaya pinananabikan na namin ang bawat eksena at ayaw naming may makaligtaan. Kaya tutok kami palagi sa husay umarte ng dalawang bida na walang kiyeme sa mga romansahan.

-0-

Madalang ng lumabas sa TV ang aming hinahangaang singer actor na si Mark Bautista. Balita namin ay nag-aatubiling lumipat sa ibang network ‘di kagaya ng kanyang mga kasamahan sa Kapuso network na nagsilayasan na at kumabilang bakod na.

Anytime raw kung gugustuhin niya ay makalilipat siya dahil wala naman siyang kontrata sa ch. 7. Bagkus ay pinag-iisipan raw nito ang pumunta sa New York at mag-audition sa West End.

Aba! maganda kung maisakatuparan niya ang pag-audition at baka sakali ay makalusot siya. Tutal naman mahusay siyang kumanta at umaarte rin sa teatro.

Kung iyong natatandaan, gumawa siya ng musical play years ago, ang Full Monty kung saan naghubad siya sa ending ng play as in hubo kaya lang pinatay ang ilaw kaya wala ring nakakita sa kanyang nakalawit na saba.

Ayaw ni Mesam Brazil gusto niya may maaaninag man lang.

Charitooooo! Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA

Tom at Lovi pinahihingi ng sorry kay Carla Abellana

$
0
0

KUNG may mga pumuri sa makatotohanang pagganap nina Lovi Poe at Tom Rodriguez bilang husband and wife sa love scene nila sa “Someone To Watch Over Me” (STWOM), may mga bashers namang hindi nagustuhan ang ginawa nila at nagde-demand pa sila na dapat daw mag-apologize sina Lovi at Tom kay Carla Abellana, ang girlfriend ni Tom.

Sinagot ito ni Lovi sa kanyang Instagram account ng: “Our job is to make every scene believable which I’m completely flattered that we have achieved due to a lot of positive and a couple of violent reactions. But more than anything, what I’m really thankful about as an actress and as a person who is passionate about her job is that I found in Tom someone who is equally as passionate as I am…who thankfully has a wonderful partner who has been nothing but supportive, real and such a dear friend to me. Thank you, Carla… Mahirap naman talaga ang trabaho namin pero nasa tao talaga ‘yun na hindi magpadala sa mga superficial na bagay. Work is work. REAL is different from REEL. And no apologize will be given…unless what I gave is less than a job well done”

Sa story ngayon ng STWOM, dumaraan na sa crisis si Joanna (Lovi) dahil nalaman na nilang may early onset ng Alzhiemer’s disease ang asawang si TJ, kaya madalas na laging umiiyak si Lovi at nararamdaman daw niya ang character na ginagampanan niya, napakahirap daw ng kalagayan ni Joanna, na naroon siya pero hindi na siya kilala ng asawa niya.

Ayon kay Lovi, thankful siya hindi lamang sa support ni Tom kundi ng mga co-actors niya na sina Edu Manzano, Jackiel Lou Blanco, Ronnie Lazaro at Isay Alvarez. Napapanood gabi-gabi ang STWOM pagkatapos ng “Alyas Robin Hood.”

***

Malapit si Alden Richards sa mga taong may sakit na cancer, dahil ito ang sakit ng kanyang Mommy Rio na maaga silang naiwanang magkakapatid.

Kaya si Alden, kahit anong busy ng schedule basta inimbita siya sa mga okasyon tungkol sa cancer dumarating siya kahit makita lamang siya ng mga maysakit. Last Sunday, September 18, na puno rin ang schedule ni Alden dahil may “Sunday PinaSaya” siya, hindi siya tumanggi sa imbita ng Simply Alden na may 15 chapters na, sa first outreach nila sa Bahay Aruga sa San Marcelino, Manila.

Ang Bahay Aruga ay free halfway house for pediatric cancer patients na pinamamahalaan ni Ms. Marietta B. Bonilla. Tamang-tama naman na ang September pala ay Childhood Cancer Awareness Month, kaya nagpasalamat siya sa mga may mabubuting puso na napili silang tulungan, tulad ng Simply Alden. May 30 pediatric patients sila roon.

After ng “Sunday PinaSaya,” unang pinuntahan ni Alden ang Bahay Aruga kahit may kasabay itong isa pa siyang event. Alam niyang may oras ang mga bata para makipagkita sa mga bumibisita sa kanila. Kaya tuwang-tuwa ang mga bata na sabi kay Alden nang makita siya: “ang pogi mo po Kuya.”

Nagbigay ng message si Alden sa mga bata, na huwag mawawalan ng pag-asa at magdasal para sila gumaling. “Gusto ko pagbalik ko rito, makita ko kayong muli.”

Meanwhile, pumasok na ang character ni Alden bilang si Lakan sa “Encantadia” at napanood na ang una niyang paglipad bilang isang Mulawin Inilipad niya pabalik sina Danaya (Sanya Lopez) at Lira (Mikee Quintos) pauwi sa Lireo. Pagkatapos iyan ng “24 Oras” sa GMA 7. FRONT SEAT/NORA CALDERON

Boyet, bilib kay Lovi

$
0
0

HALOS lahat ng mga leading ladies sa pelikula ay nangangarap na makatrabaho ang drama king na si Christopher de Leon.

Katunayan, karamihan ng mga leading ladies na nakatambal niya sa pelikula ay nanalo ng grand slam best actress awards sa iba’t ibang prestihiyosong award-giving bodies.

Naging grandslam best actress ang kanyang ex na si Nora Aunor sa pelikulang “Tatlong Taong Diyos”.

Naging grandslam best actress din ang Star for all Seasons na si Vilma Santos sa pelikulang “Relasyon”, “Dahil Mahal Kita” (The Dolzura Cortez Story) at “Dekada ‘70”.

Ang Megastar naman na si Sharon Cuneta ay naging grandslam best actress sa “Madrasta”.

Naging grandslam best actress naman ang Bikolana actress na si Elizabeth Oropesa sa “Bulaklak ng Maynila”.

Naging paboritong leading man din siya ng mga A-list actresses tulad nina Lorna Tolentino, Alice Dixson, Snooky, Maricel Soriano, Dina Bonnevie at marami pang iba.

Ano ang feeling na lahat ng mga actresses natin ay nangangarap na makasama ka sa isang proyekto, mapa-pelikula man o telebisyon?

“I’m flattered. I’m honored. It’s really an honor to be in this position. I think God has been good, to me,” aniya.

Ano ang sa palagay mong dahilan at lahat halos ay gustong makapareha ka o makasama ka sa isang proyekto?

“My way of working kasi is I do believe in give and take. When I do a scene with my co-actor, I am actually very supportive. Kung may eksena ako with my leading lady ko, one hundred percent iyong ibinibigay kong suporta. I make her feel my energy,” paliwanag niya.

“It’s also because of ethics,aside from the give and take and teamwork that I consider important in this business. Importante kasi iyong respeto rin. You should also allow your co-actor to grow. Kaya kami nagsha-shine sa mga movies namin ni Vilma, it’s because of the support system na ibinibigay namin sa isa’t isa in the same way na naka-grandslam ako dahil na rin sa tulong ng mga kaeksena ko,” dugtong niya.

Bakit maging ang mga baguhan at kahit hindi pa established na actors na gustong magdrama, pag tinanong mo, ang madalas na sagot nila nila ay gusto nilang maging isang drama king o Christopher de Leon?

“Siguro, iyong longevity. Pero, I think, they have their own career path naman, in the same way that I have my own as an actor,” ani Boyet.

Ayon pa kay Boyet, bilib siya sa professionalism at sense of commitment ni Lovi Poe, ang kanyang leading lady sa “The Escort” ng Regal Entertainment.

“She has the makings of a good actress,” papuri niya.

Dagdag pa niya, nagkasama na sila ni Lovi sa telebisyon sa GMA teleseryeng “Beautiful Strangers” pero ibang level daw ang pagsasama nila sa pelikula.

“Given more projects, she could shine as an actress,” pagtataya niya.

May love scene sina Boyet at Lovi sa pelikulang “The Escort” pero hindi raw sila nagkaroon ng ilangan.

“It’s kind of ironic dahil I played the son of FPJ sa “Aguila” and yet ngayon naman, ang katrabaho ko ay ang anak niya at may love scene pa kami,” pagbubunyag niya.

Napapanahon din ang tema ng pelikula tungkol sa mga escort agencies na nagiging front ng prostitution.

“Actually, hindi siya legit dito sa Pilipinas. Matatagpuan mo lang siya sa mga adult websites pero sa ibang bansa tulad sa States sa Nevada, legit siya. Minsan naa-amaze rin ako sa set up nila kung paano sila nag-o-operate. Hindi siya legal sa atin and it’s kinda messy if you go for it,” pagwawakas niya.

Papel ni Gary, isang real estate mogul na na-inlove sa isang female escort na ginagampanan ni Lovi ang role ni Boyet sa erotic drama na “The Escort” na idinirehe ni Enzo Williams (Bonifacio, ang Unang Pangulo).

Bukod kay Lovi, kabituin din ni Boyet sina Derek Ramsay, Jean Garcia, Rommel Padilla, Dimples Romana, Jackie Lou Blanco, Albie Casino at marami pang iba.

Ang “The Escort” ay mapapanood na sa Nobyembre 2 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

ENZO WILLIAMS, GUSTONG MAIDIREK SI NORA AUNOR

Para sa award-winning director na si Enzo Williams ng “Bonifacio: Ang Unang Pangulo,” hindi kumpleto ang career niya kung hindi niya naididirek si Nora Aunor.

Pangarap niya na makatrabaho ito sa isang proyekto pero for the meantime, solved na rin siya dahil nagkaroon na siya ng chance na maka-work ang ex ng Superstar na si Christopher de Leon na isa ring multi-award winning actor.

Alam din ni Enzo na dating film director si Boyet pero kapag nasa set daw ito ay nakikinig lamang ito ng instructions niya bilang megman ng pelikula nilang “The Escort” ang kauna-unahang erotic drama na ginawa niya under Regal Entertainment.

***
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com. CHIKKA PA MORE/ARCHIE LIAO


Hindi kinaya ang mga lampungan!

$
0
0

BAGAMA’T sanay na sina Derek Ramsay at Lovi Poe sa mga sex scenes, hindi pa rin nila kinaya ang ganitong lampungan na hubo’t hubad na tatambad ang kanilang mga katawan sa mga miron.

Maraming nakapaligid sa shooting na very intimate lang dapat subalit hindi maiwasan na walang makapanonood sa kanila dahil kailangan ang crew sa paligid, cameraman, assistant director, light man, makeup artist, production assistant at ang humahawak ng telang itim (kung ‘di ako nagkakamali ito ang tinatawag na black backing upang magsilbing takip o panangga sa mga manonood ng shooting).

Siyempre bago i-shoot ang lampungan ay pinag-usapan nila ni Derek at Lovi at napagkasunduan nila na uminom muna ng alak para tumapang ang hiya nilang dalawa. Rough sex kung tawagin ang kanilang gagawin kasama dapat ang dog style subalit nagbeg-off ang guwapo at mabait na aktor at nakiusap kay direk Enzo Williams na huwag ng gawin at di raw bagay kay Lovi.

Sa kabilang banda, hindi rin nagpatalbog ang senior actor na si Boyet de Leon sa kanyang mga sizzling sex scenes. Although swabe lang, makararamdam raw ang manonood ng libog.

Madre Mia! Ayokong isipin na ang film na ito ay isang softporn at excited na sila Apol as in Apolonia na panoorin nila ang isang Christopher de Leon na nakikipag-sex din sa pelikula. Doon daw sila na-e-excite.

Sa mga sex scenes ng The Escort, wala raw makikitang private parts. Only bukol lang daw. Ha!ha!ha! Siya nga pala, nanawagan si Christopher de Leon sa kapwa niya artista na huminto na sila sa paggamit ng ilegal na droga. Wala raw buting idudulot nito.

Demonyo raw ito maraming sinisirang pamilya, career at marami pa. Sumuko na raw ang mga pushers at users among movie stars at nadadamay ang ibang mga artista kasi sinasabi ng karamihan na basta artista gumagamit ng ilegal na gamot.

Kaya nakikiusap siya na sumuko na bago mapahiya pa sa publiko at hindi lamang iyon, opinion na namin na baka matulad na sila kay John Wayne Sace na pinatikim na ng bala. Buti na lang ay nabuhay pa. Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA

Baliw na baliw kay Baby Letizia!

$
0
0

FIRST birthday na ni Baby Letizia Gracia-Dantes sa November 23, pero sabi ng inang si Marian Rivera Dantes, wala pang silang plano ng asawang si Dingdong Dantes.

Nakausap namin si Marian last Sunday, October 23, sa musical-variety show nilang “Sunday PinaSaya” (SPS) at binati namin siya dahil 11th month-old na nga si Zia. At iyon nga, sa tanong namin kung paano nilal isi-celebrate ang first birthday ni Zia, baka raw pang-family affair lamang, depende raw kung ano ang mapag-uusapan nila ni Dong.

Sa ngayon daw ay kaligayahan nilang mag-asawa si Zia at alaga na siyang i-post ng ama sa kanilang mga Instagram account tulad noong post nito na nakasuot ng Snow White costume with a caption na “Halloween is my second favorite holiday next to Christmas. Here she is embracing it on her 11th month. Good job on the costume, Mommy! #MariaLetizia.

Post naman ni Marian: “Haay mahal ko, hindi ako magsasawang titigan ka araw-araw. At kahit kailan, ‘di ako mapapagod na alagaan ka. I love you, Anak!”

Sa ngayon na magwa-one year na si Zia, patuloy pa rin ang breast feeding niya sa anak na nai-promise niyang hanggang may milk pa raw siya, hindi pa siya titigil sa pagbibigay nito sa anak.

Busy ngayon si Dingdong sa kanyang top-rating action-drama series sa GMA 7 ang “Alyas Robin Hood” at si Marian, malamang next year na siya gumawa ng bagong drama series sa Kapuso Network, hihintayin lamang niyang matapos mag-taping si Dingdong, para may mag-alaga naman kay Zia kapag siya naman ang nagti-taping.

Every Sunday lamang naman ang kanyang musical-variety show. Pero looking forward si Marian at Dingdong sa Christmas trip nilang mag-anak sa Spain.

First time iyon na makikita ng kanyang Lolo Fran at family nito si Zia. Ipinasya na nila ni Dingdong na sila na ang pumunta ng Spain para makita ng mga relatives niya roon ang kanilang anak.

Ipinaaabot nga pala ni Marian at ng buong production staff ng “Sunday PinaSaya” ang pagbibigay sa kanila ng Best Musical-Variety Show award ng Philippine Movie Press Club sa katatapos na awards night nila for television last Sunday, October 23.

* * *

Marami nang naghihintay kay Paolo Ballesteros sa pagrampa niya na in-character sa movie niyang “Die Beautiful.”

Kaya pala wala si Paolo sa “Eat Bulaga” noong Monday, dahil iyong araw na iyon siya lumipad papuntang Tokyo, Japan para mag-attend ng 29th Tokyo International Film Festival.

In competition at magkakaroon ng world premiere ang launching movie ni Paolo. Nagsimula kahapon ang festival, October 25, at magtatapos ito sa November 3.

Inaabangan ang world premiere ng movie at ang pagrampa ni Paolo sa red carpet at ipakikita niya ang talent niya sa make-up transformation.
Mahusay na actor si Paolo kaya maraming nagwi-wish na manalo siya ng award.

* * *

Gabi-gabi ay humahanga ako sa husay sa acting nina Lovi Poe, Tom Rodriguez at Edu Manzano sa primetime drama series nilang “Someone To Watch Over Me.”

May time pang feel namin ang paghihirap ng loob ng isang ama na makitang ipinagtatabuyan siya ng anak (Edu and Tom) dahil hindi siya kilala at ang nakalipas na paghihiwalay nila ng ina nito ang naiwanan sa isip ng anak.

Napapadalas na kasi ang atake ng Alzheimer’s disease kay TJ at ang mga malulungkot na nakalipas na lamang ang mas naaalaala niya. Napapanood ang “STWOM” pagkatapos ng “Alyas Robin Hood.” FRONT SEAT/NORA CALDERON

Nai-intimidate kay Dennis Trillo!

$
0
0

SOMETHING new para kay Lovi Poe na gumawa sa GMA 7 ng sexy-romantic-comedy na serye sa ilang years niya sa industriya. Light daw ang “The One That Got Away” dahil lahat ng teleserye na ginawa niya ay puro heavy drama.

Hindi raw sila masyadong nagka-eksena ni Dennis Trillo sa “Mulawin” kumpara sa “TOTGA”.

“Siyempre, nakai-intimidate na kaeksena si Dennis. The last time na nakaeksena ko siya ay sa “My Neighbor’s Wife”. ‘Yun ang last time talaga na magkatrabaho kami,” saad niya.

Bakit siya nai-intimidate?

“Dahil siya ang GMA Drama King tapos hindi ko pa genre kaya nakanenerbyos,” aniya.

Anyway, hindi pa pumapasok sa utak ni Lovi Poe na magpakasal na sa kanyang boyfriend na si Chris Johnson. Hindi pa raw niya naiisip kahit halos lahat ng kaibigan niya ay nagsipag-asawa na. Focus pa raw siya sa work at marami pa siyang gustong ma-achieve bilang individual. Gusto niya ay ‘buo’ na raw siya pag pinasok niya ang estado na ‘yan ng buhay niya. Wala rin daw siyang ideal age para ma-pressure na mag-asawa.

Pak!

-0o0-

Buong ningning na inihahayag ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang nararamdaman niya kay Jennylyn Mercado. Seryoso na siya mula nang magkabalikan sila ni Jen.

“Habang tumatanda ka, marami kang natutunan. Mas nagma-matured ka. Nagiging matino ‘yung pag-iisip mo,” bungad niya nang makatsikahan siya sa presscon ng bagong serye na “The One That Got Away”.

Parang ayaw na niyang mawala si Jennylyn sa buhay niya?

“’Yun na nga siguro,” pakli niya sabay ngiti.

“’Masaya kami,eh,” dagdag pa ni Dennis.

Nakikita na ba niya si Jennylyn ang makatutuluyan niya?

“Oo naman. Kailangan ma-imagine mo ‘yun dahil kung hindi… ibig sabihin may problema,” tugon niya.

Tinanong si Dennis kung nanood na siya ng filmfest entry ni Jen na “All Of You”?

“Hindi pa po,” sagot niya.

Nag-topless run si Jen, ano masasabi niya?

“Wala..meron ba?” nakangiti niyang tugon.

“May topless pa ba ngayon?” dagdag tanong pa niya.

Tumungo na lang siya nang sabihing ‘backless’ yung eksenang ginawa ni Jennylyn.

“Eksena ‘yun na kailangang gawin so, wala namang kailangang ikagalit dun o pag-awayan dahil siyempre, ‘yun ang nagbabayad sa mga bills namin. Trabaho ‘yan,eh,” sey pa niya.

Ano naman ang reaction niya na nai-intimidate si Lovi Poe sa kanya bilang kaeksena sa “The One That Got Away.”

“Ako rin naman ako sa kanila. Feeling ko healthy ‘yung ganoon na nararamdaman sa co-actor mo. Pag naramdaman mo ‘yun, ibig-sabihin ay nandun ‘yung respect mo, parang gusto mong pantayan ‘yung capacity ng co-actors mo,” katwiran niya.

Sa January 15 ay mapapanood na ang “The One That Got Away” pagkatapos ng “Kambal Karibal”. Tampok din sina Lovi Poe,Rhian Ramos, Max Collins, Jason Abalos, Ivan Dorschner, Migo Adecer, Bembol Roco, Snooky Serna, Luz Valdez, Ervic Vijandre, Jason Francisco, Ayra Mariano, Sophie Albert, Ashley Rivera. Ito ay sa direksyon nina Mark Dela Cruz at Conrado Peru.

-0o0-

New Year na New Year pero parang isang advance Valentines’ celebration ang ginawa ng Kapuso love team na BiGuel a.k.a. Bianca Umali at Miguel Tanfelix na siyang bida ngayong sa well-loved primetime series na ‘Kambal, Karibal’.

Paano ba naman kasi, sa litratong pinost ni Miguel sa kanyang Instagram kamakailan, proud niyang ibinahagi ang ‘first hike’ nila.

Naku, huh! #RelationshipGoals sila!

Pero sa kanilang serye naman gabi-gabi, tila parehong may gusto sina Diego (Miguel Tanfelix) at si Makoy (Jeric Gonzales) kay Crisan (Bianca Umali) at hindi basta basta magpapatalo ang dalawa.

Masyadong mahaba ang hair ni Bianca!

-0o0-

Balik-taping agad sa top-rating Afternoon Prime soap na ‘Impostora’ ang lead star nitong si Kris Bernal.

Hindi maikakaila na intense ang mga eksena dito ni Kris kaya masaya siyang nakapagpahinga nitong Christmas break. Bilang reward sa ilang buwan na hard work, pupuntahan ng aktres ang isa sa mga dream destinations niya sa susunod na taon.

Lilipad papuntang Iceland si Kris sa darating na Pebrero para makita ang aurora borealis o ang Northern Lights. Naikwento rin ni Kris, isa sa mga New Year’s resolution niya ang maging mas matipid.

“Madalas kasi kapag feeling kong overworked ako or burn out ako, parang feeling ko, ‘Ay kailangan ko ng bagong bag or bagong shoes!’ Pero ngayon parang gusto ko talagang mag-invest sa lupa, sa business,” bulalas niya. XPOSED/ROLDAN CASTRO

Valentine concert, naging pang-Holy Week show

$
0
0

SOBRANG disappointed ang sosyalerang veteran singer na local counter part daw ng Hollywood singer na si B.E. dahil ang inaasahan niyang dudumuging show niya sa maliit na venue sa darating na Valentine’s Day ay nauwi sa wala. Maging ang mga may pangalan din niyang mga guest ay naunsyami din at balitang na-bad trip sa kanya dahil sya ang pinili sa pag-aakalang magiging blockbuster ang kanilang valentine concert ngunit maka-cancel lang pala. Hindi nga sila tumanggap ng ibang raket para lamang sa event na ‘to. Susme!

Imagine, pitong tickets lang daw ang maibenta? Kaya ang show na dapat ay sa Araw ng mga Puso, nare-schedule ito for lenten season, kamuntik pa nga raw lumagpak ng Mahal na Araw. Hehehe!

Pero bakit kinalimutan na ng kanyang mga fan ang singer na ‘to? Hindi pa naman siya katandaan at hindi pa sumasablay ang boses. Siguro dahil pinaglumaan na ang kanyang mga kanta. Hindi na siya gumawa ng makabagong mga awitin na pwedeng magustuhan ng mga millennial.

Ako din ‘di ko na magustuhan ang kanyang mga awaitin. ‘Yun lang!

LOVI POE’S PRE-BIRTHDAY CELEBRATION WITH KIDS OF CHILD HOPE ASIA PHILIPPINES

Maagang sinalubong ni Kapuso Premier Drama Actress Lovi Poe ang kanyang kaarawan. Isang espesyal na pre-birthday celebration ang kanyang inihanda para sa mga bata mula sa Child Hope Asia Philippines. Bukod sa masarap na salu-salo, nagkaroon din ng masasayang games para sa lahat. Nagpamigay din si Lovi ng mga regalo para sa lahat ng dumalo.

Naging tradisyon na ni Lovi na maging bahagi ng special moments niya sa buhay ang Child Hope Asia Philippines na kanyang tinutulungan for more than five years.

“My heart is bursting with happiness that I got to spend this day with the kids of Child Hope Asia Philippines. You are my inspiration and I really look forward to spend time with you every year. Thank you for making my birthday extra special and memorable,” pahayag ni Lovi.

Sa kabila ng kanyang busy schedule para sa taping for her primetime soap na The One That Got Away kung saan ginagampanan niya ang character ni ALEX, pinagkakaabahalan din ni Lovi ang pagpo-promote para sa kanyang movie na “The Significant Other.”

ATE SHAWIE, IBINULGAR ANG LAHAT NG MGA NAGING LALAKI

Maliban sa kanyang real name, gumagamit din pala si Sharon ng ibang pangalan sa kanyang facebook page. April Mondragon ang isa niyang namesung sa FB. ginagamit daw niya ito para sa pamilya niya, kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Nang magkaroon ng pakikipagtalastasan itong nagngangalang Krizette Laureta Chu sa FB sa kanyang mga kaibigan ay nagulat daw ito ng biglang nakisali sa kanila si April Mondragon na umamin bandang huli na siya si Ate Shawie.

Pa’no namang di sasali si Mega eh, sya ang naging topic sa nasabing usapan.
“Hi! This is Sharon using a different account. Albert Martinez (phone pal puppy love only), then my first real love Gabby. Then Rowell. Back to Gabby.

After the marriage ended, someone nonshowbiz, J. na lang I will call him. Then Richard. Robin. Richard. Nonshowbiz C., then Richard again. Kiko. And Robin in between all the Richard time frames and everyone else’s somewhere too. Hahaha! I will end there na. Let’s just say that great loves begin with R. Not including great love ex-hubby kasi asawa yon. Iba yon. Naks. Thank you!” litanya ng singer/actress.

Ngayon alam nyo na kung sino-sino ang mga naging julakis ni Ate Shawie. Hehehe!

***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 11:00-12:00 midnight, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

Viewing all 19 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>